Dapat ka bang ihambing sa arawan?
Tunay ngang ika'y mas kabigha-bighani:
t'wing Mayo'y umaalimpuyo ang ulan
na tinatapos ang init na napakaikli;
kadalasa'y ang sinag ng langit ay nagsusumigaw;
at minsan nama'y ang araw ay nananahimik;
at ang araw: tagsibol ay sinisilaw,
sa pagbabago, kalikasan nga'y sabik;
datapwat ang iyong sinag ay 'di papawiin,
ni hindi maglalaho ang ganda mong taglay;
ni 'di mabibitbit ni Kamatayan sa kaniyang lilim,
'pagkat sa mga pantig nito, ika'y mabubuhay:
samantalang may humihinga at nangakakikita
ay mabubuhay ito at bibigyam-buhay ka tuwi-tuwina.
Source: http://bonelessbangis.blogspot.com/2009/07/sonnet-18-by-shakespeare-filipino.html
Source: http://bonelessbangis.blogspot.com/2009/07/sonnet-18-by-shakespeare-filipino.html
No comments:
Post a Comment